Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) na iimbestigahan nila ang pagkasawi ng isang traffic enforcer matapos masagasaan ng truck sa A. Bonifacio Avenue kahapon.
Ayon kay QCPD District Director Nicolas Torre III, isasailalim nila sa forensic examination ang truck na minaneho ni Joel Dimacali na nakasagasa sa biktimang si Jeffrey Antolin.
Aniya, isasagawa ang technical inspection para alamin kung nagkaroon ng mechanical failure ang preno ng truck.
Sisilipin din ang road worthiness ng naturang sasakyan at kung sumobra sa maximum speed ang driver nito.
Mahaharap si Dimacali sa kasong reckless imprudence resulting to homicide habang posibleng magkaroon ng civil at criminal liability ang operator ng truck.
Tumangging magbigay ng pahayag si Dimacali na nasa kustodiya ng Pulisya. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.
?: QC TTMD