Pagkuha ng water sampling, ipinag-utos ng Batangas LGU kasunod ng napaulat na umabot na sa kanila ang oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Batangas ang pagkuha ng water sampling sa karagatan ng Batangas.

Ito ay matapos matanggap ang impormasyon na nakarating na sa kanilang karagatan ang oil spill mula sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Batangas Governor Dodo Mandanas, kabilang sa unang susuriin ang kalidad ng tubig sa Verde Island, Ilihan, Pagkilatan, at Dela Paz. Ito’y upang malaman kung kontaminado ito ng langis.

Samantala, nagpatawag ng pagpupulong si Batangas Lobo Mayor Lota Manalo para alamin ang kahandaan ng 10 coastal barangay sa kanilang lugar.

Hinimok din ng alkalde ang mga residente na tumulong sa paghanap ng materyales na pangharang sa oil spill tulad ng bunot ng niyog, lumang damit, lubid, sako, at bote ng tubig. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us