Pinulong ni House Committee on Appropriations at AKO BICOL Party-list Representative Zaldy Co ang Commission on Higher Education (CHED), para sa agarang paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program (TDP) nito.
Sa pulong ni Co at ni UniFAST executive director Atty. Ryan Estevez, pinaglalatag ng hakbang ang CHED para matiyak na maibibigay sa tamang panahon at maayos na paraan ang tulong pinansiyal para sa mga estudyante sa ilalim ng Tulong Dunong program.
Diin ni Co, na sa gitna ng patuloy na pandemya at iba pang hamong kinakaharap ng mga mag-aaral ay malaking tulong ang TDP para makapagpatuloy sila sa kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng 2023 National Budget, dinagdagan ng Kamara ng ₱5 billion ang pondo para sa Tulong Dunong Program. | ulat ni Kathleen Forbes