Paglilinaw ng PNP, mismong hepe ng CIDG-NCR ang humiling na maalis sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Philippine National Police o PNP na mismong si P/Col. Hansel Marantan ang siyang humiling kay Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Director, P/BGen. Romeo Caramat na ma-relieve sa puwesto bilang hepe ng CIDG-NCR.

Ito’y makaraang ipag-utos ni Caramat ang pagsibak sa puwesto kay Marantan gayundin sa 13 iba pa bunsod ng isyu ng “Hulidap” sa 13 Chinese na inaresto dahil sa paglalaro ng majhong sa Parañaque City noong Marso 13.

Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, layon ng nasabing hakbang na bigyang daan ang gagawing imbestigasyon at upang hindi ito maapektuhan.

Magugunitang inireklamo ng mga biktima kay PNP Deputy Chief for Administration P/LtG. Rhodel Sermonia ang ginawa ng mga tauhan ni Marantan sa CIDG-NCR.

Doon, tinangayan sila ng mga mamahaling relo, mamahaling bag, alahas at 3 milyong pisong cash sa vault ng mga biktima.

10 milyong piso rin ang hiningi ng mga pulis sa mga biktima kapalit ang kanilang kalayaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us