Paglilinaw ni Sen. Bato dela Rosa, sa mga kasong may kaugnayan lamang sa ICC nito kukunin si Sen. Francis Tolentino bilang abugado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Senador Ronald ‘Bato’ Sela Rosa na sa mga kasong may kinalaman lamang sa International Criminal Court (ICC) niya kukunin ang serbisyo ni Senador Francis Tolentino bilang kaniyang abugado.

Ayon kay Dela Rosa, mula pa nang magsimula ang isyu niya sa ICC ay kinausap na niya si Tolentino para tumayong legal counsel niya.

Kumpiyansa aniya siyang mahahawakan ng maayos ni Tolentino ang kanIyang kaso bilang maalam ito sa international law at tiwala rin siyang hindi siya pababayaan nito bilang magkaibigan sila.

Naniniwala rin ang senador na mabibigyan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ng clearance si tolentino para maging abugado niya.

Bagamat naniniwala ang mambabatas na hindi dapat kinikilala ng Pilipinas ang gagawing imbestigasyon ng ICC dahil hindi na ito bahagi ng Rome Statute, nilinaw naman ni Dela Rosa na ang pagkuha niya kay Tolentino bilang abugado ay bilang paghahanda lang sakaling lumabas siya ng Pilipinas at arestuhin sa mga bansang miyembro ng ICC.

Kaugnay rin nito, inamin ni Dela Rosa na nagpipigil siyang lumabas ng Pilipinas dahil baka aniya biglang maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya kapag nasa labas siya ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us