Pagpapagawa ng Makatizen ID, gagawin nang online

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bubuksan na ang Online Registration System ng application ng Makatizen ID sa Makati City simula March 20.

Ayon kay Mayor Abby Binay, mapapabilis ng Online Registration System ang pagpoproseso ng application ng Makatizen Card.

Para bigyang-daan ang kanilang system upgrade, pansamantalang sususpendihin ang pagtanggap ng Makatizen Card application mula March 15-17, 2023.

Paalala pa rin ng Makati LGU sa publiko na kumpletuhin ang requirements sa pagkuha ng Makatizen ID.

Ang Makatizen ID ay ang Resident Card ng Makati City na magsisilbing access sa mga serbisyo ng pamahalaang lungsod at maaaring gamitin sa loob o labas ng Makati bilang isang valid ID. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us