Pagpapalakas ng public awareness vs. human trafficking, ipinag-utos ni Pres. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaki ang magagawa ng malawakang information dissemination upang masawata ang problema hinggil sa human trafficking.

Ayon sa Pangulo, kumbinsido siyang ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko laban sa nasabing iligal na gawain ay malaki ang magagawa para mapigilan ang pagkakaroon pa ng mabibiktima ng nabanggit na modus.

Kaugnay nito’y inihayag ng Chief Executive na kanyang iniaatang sa balikat ng Presidential Communications Office (PCO) ang maigting na kampanya ukol dito.

Heightened public awareness is the key sabi ng Pangulo, habang nagbigay din ng direktiba si Pangulong Marcos sa Inter-Agency Council Against Trafficking at Presidential Anti-Organized Crime Commission na palakasin pa ang pagtutulungan ukol sa naturang bagay.

Sari-sari na aniyang diskarte ng mga nasa human trafficking ang ipinatutupad ng mga ito sabi ng Pangulo na ang madaling mabiktima ay ang mga walang trabaho na pilit namang ginagawan na ng intervention ng gobyerno. | ulat ni Alvin Baltazar

?: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us