Pagpapanatili sa maiden name ng isang babae kahit kasal na, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay na sa plenaryo ng Kamara ang panukala upang patuloy na magamit ng mga babae ang kanilang pangalan sa pagkadalaga kahit na sila ay mayroon nang asawa.

Aamyendahan ng House Bill 4605 ang Civil Code of the Philippines upang maisama ang opsyon na panatilihin ang maiden first name at surname ng babae kahit pa kasal na ito.

Sa kasalukuyan ang nakapaloob na opsyon sa Civil Code ay ang paggamit ng kasal na babae sa kanyang maiden first name at surname na daragdagan ng apelyido ng kanyang mister; ang kanyang unang pangalan at ang apelyido ng kanyang mister; o ang buong pangalan ng kanyang mister at lalagyan lamang ng prefix sa unahan gaya ng “Mrs.”

Agad din lumusot sa ikalawang pagbasa ang panukala. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us