Gaganapin bukas, araw ng Huwebes ang ikalawang patawag na pagpupulong ng Department of Justice hinggil sa oil spill.
Ayon kay Justice Sec Jesus Crispin Remulla, magsisimula ito 9:00 ng umaga at haharap ang mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa usapin.
Partikular na rito ang Philippine Coastguard at ang Maritime Industry Authority o MARINA. Sakali mang hindi muli humarap ang MARINA ay itutuloy pa din nila at susundin ang legal na proseso.
Iginiit naman ni Remulla, magpapahaba lang ng problema kapag hindi nagpakita ang MARINA.
Binigyang diin ng kalihim, ang pulong ay bahagi na ng case build-up ng DOJ para matiyak na mabibigyan ng katarungan ang mga naapektuhan ng insidente ng oil spill. I via Paula Antolin