Matapos ang anunsyo na extension ng dry-run sa pagpapatupad ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue.
Tuloy-tuloy naman ang pagsasaayos sa linya matapos ang sumbong ng mga concerned citizen sa ilang bahagi ng kalsada na mayroong mga lubak at uba pa.
Ayon kay MMDA Chair Romando Artes, kinakailangan nilang gawin ang extension ng dry-run dahil nakitaan na hindi maayos ang kalsada para sa kinya ng motorsiklo.
Tumaas naman ang bilang ng mga nasita ng MMDA na lumabag sa linya mula March 9 hanggang March 20 na umabot sa 14,563.
Nasa 3,373 dito ay motorsiklo habang 11,190 ay mga pribadong sasakyan, sakaling maging full implementation ay magkakaroon na ng multa ang mga lalabag sa motorcycle lane. | ulat ni Janze Macahilas