Tiniyak ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na hindi makakaapekto ang pagbagsak ng dalawang bangko sa Estados Unidos sa sistema ng pagbabangko sa bansa.
Ginawa ng BAP ang pahayag matapos maglabasan ang mga alalahanin ng publiko ukol sa sistema ng pagbabangko ng Amerika matapos mag-collapse ng Silicon Valley Bank (SVB) at Signature Bank of New York.
Base sa mga reports, ang pagbagsak ng dalawang bangko ay pahiwatig ng kahinaan sa sistema ng pagbabangko ng U.S., partikular sa mga tuntunin ng regulasyon.
Ayon sa BAP, ang mga “prudential measures” na ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay suporta sa Philippine banking system upang makayanan ang mga economic shocks.
Tiniyak ng grupo na patuloy silang makikipag-ugnayan sa BSP at iba pang stakeholders upang isulong ang reporma tungo sa mas pinalakas na financial system upang matugunan ang financial needs ng banking public. | ulat ni Melany Valdoz Reyes