Umaapela ang Climate Change Commission (CCC) sa State Universities and Colleges (SUCs) na dagdagan at i-prioritize ang pagpopondo sa climate research and development projects ng kanilang mga paaralan.
Ayon kay CCC Commissioner Albert Dela Cruz Sr., ang SUCs ay kabilang sa mga kabalikat ng kanilang tanggapan sa pagtugon sa climate change.
Nagmumula kasi sa mga ito ang site-specific climate information na gumagabay sa local government unit (LGU) sa pagdetermina ng mga angkop na programa at aktibidad, na tutugon sa climate change.
Ang CCC, katuwang ang Department of Budget and Management (DBM) ay una na ring nagsagawa ng orientation para sa SUCs, kaugnay sa climate change expenditure tagging (CCET) ng mga paaralan.
Kung saan nasa higit 400 participants ang lumahok mula sa higit 100 unibersidad at kolehiyo.
Dito ginawa ng CCC ang panawagan na iangat ang climate change budget proposals ng SUCs para sa 2024. | ulat ni Racquel Bayan