Pagtatapos ng La Niña sa bansa, idineklara ng PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang inanunsyo ng weather bureau PAGASA ang pagtatapos ng La Niña o ang hindi pangkaraniwang haba ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Sa inilabas nitong advisory, sinabi ng PAGASA na batay sa climate models ay inaasahang El Niño-Southern Oscillation (ENSO) neutral condition na maaring La Niña o El Niño ang iiral ngayong buwan hanggang sa hunyo.

Kasunod nito ay inaasahan rin aniya ang unti-unti na ring pag-transition sa El Niño na maaring magdulot ng mataas na temperatura at malawakang tagtuyot.

Bagamat natapos na ang La Niña ay hindi naman iniaalis ng PAGASA ang posibilidad na makaranas pa rin ng above-normal rainfall ang bansa sa mga susunod na buwan.

“Although La Niña has already ended, its lag effect may still influence the probability of above-normal rainfall conditions in the coming months, potentially leading to adverse impacts in some highly vulnerable areas,” ayon sa PAGASA.

Habang naka-monitor naman sa nagbabagong klima ay hinikayat ng PAGASA ang mga ahensya ng pamahalaan at ang publiko na manatiling nakaalerto at laging handa sa posibleng idulot pa ring epekto ng La Niña at nagbabantang El Niño sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us