Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba pang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya na magtayo pa ng ibang energy facility sa bansa.
Sa inauguration ng Battery Energy Storage Systemsa Limay, Bataan, sinabi ng pangulo na ang mga ganitong proyekto, welcome sa bansa at inaaprubahan ng pamahalaan.
Paliwanag ng pangulo, batid naman ng lahat ang problema ng Pilipinas sa energy supply.
Ang presyo aniya ng kuryente ay isa sa mga malalaking hamon, tuwing nakikipag-usap ang bansa sa potential investors.
Isang karangalan ayon sa pangulo na nakikita na ng bansa ang mga solusyon na pinag-uusapan lamang aniya ng pamahalaan kabalikat ang San Miguel, upang tugunan ang ilang problema sa sektor ng enerhiya.
Kaugnay nito, kinilala ni Pangulong Marcos ang inisyatibong ito ng San Miguel, at lahat ng kabalikat nito, para sa pagdadala ng ganitong pasilidad sa Pilipinas, na aniya ay malaking papel ang gagampanan sa target na energy security ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan