Pahayag ng Chinese Embassy sa bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement sites, di tinanggap ng ilang senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi katanggap-tanggap para sa ilang senador ang pahayag ng Chinese Embassy tungkol sa mga dagdag na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa ating bansa.

Sa isang pahayag kasi, sinabi ng Chinese Embassy na maaaring makasama sa national interest ng Pilipinas at sa regional peace at stability ang napagkasunduang apat na EDCA sites ng ating bansa at ng Estados Unidos.

Sinabi ni Senador JV Ejercito na hindi na niya mapagkatiwalaan ang anumang sasabihin ng China dahil taliwas sa kanilang mga nagiging pahayag ang kanilang mga aksyon.

Pinunto ni Ejercito ang mga naging aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa West Philippine Sea.

Kung nais aniya ng China na pagkatiwalaan natin sila ay dapat nilang respetuhin ang ating soberanya at ang ating territorial integrity.

Pinahayag naman ni Senador Chiz Escudero na ang aksyon ng China ang sumisira na sa stability sa rehiyon.

Giniit ni Escudero na may karapatan ang ating bansa na magsulong ng sarili nating foreign policy para sa ating sariling pambansang interes at hindi aniya tayo dapat matakot sa anumang banta. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us