Ginagawa na ng gobyerno ang lahat upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa Masbate, partikular sa paaralan na malapit sa pinangyarihan ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng NPA, noong ika-20 ng Marso.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. na bukod sa AFP at PNP, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Education (DepEd), upang matugunan ang trauma na idinulot ng insidente sa mga mag-aaral.
Base kasi aniya sa ulat, nasa 55, 000 na estudyante ang na-trauma o nakaramdam ng takot, kasunod ng panandaliang pagtigil ng klase, noong nagaganap ang engkwento ng militar at mga rebelde.
Makakaasa aniya ang publiko na maibabalik sa normal na sitwasyon ang lugar, sa pinakamabilis na panahon.
Kaugnay nito, binigyang diin ng opisyal na ang NTF-ELCAC, patuloy rin na naka-monitor sa Barangay Development Program upang patuloy na malabanan ang insurgency sa ilang lugar bansa. | ulat ni Racquel Bayan