Sa gitna ng nakikitang matinding pangangailangan ng mga Pilipino sa pabahay, inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginawa niya itong challenge bilang Pangulo ng Republika.
Ayon sa Pangulo, hamon niya sa kanyang sarili na maipagpatayo ang mga Pilipino ng kanilang magiging sariling tahanan sa harap ng aniya’y napakatinding kakulangan ng bansa sa pabahay para sa mga Pinoy.
Kaya naman ayon sa Punong Ehekutibo, isa ang pabahay sa binibigyang prayoridad ng kanyang administrasyon sa ilalim na din ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4Ps.
Una nang sinabi ng Pangulo na target ng kanyang pamahalaan na makapagpatayo ng bahay na aabot sa anim na milyon sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.
Lalabas na sa bawat taon, kailangang makapagpatayo ng isang milyong pabahay ang gobyerno na ayon naman sa Pangulo ay kayang isagawa sa sama-sama na ring pagtutulungan o bayanihan. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President