Pangangailangan ng mga manggagawa at mga employer, dapat ikonsidera—Sen. Jinggoy Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagamat sang-ayon na kailangang taasan ang sweldo ng mga manggagawa, sinabi ni Senate Committee on Labor chairman Jinggoy Estrada na kailangan pa ring mabalanse ang interes ng mga manggagawa at ng mga employer na hinarap rin ang dagok ng pandemya.

Binigyang diin ni Estrada na ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang backbone ng ekonomiya ng Pilipinas, bilang ito ang bumubuo sa 95% ng mga negosyo sa bansa, at sila ring pinakatinamaan ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Higit aniya sa isyu ng wage increase ay ang usapin rin ng job security na kinakailangan pang maabot ng karamihan sa mga manggagawa sa bansa.

Kaya naman sinabi ng senador na dapat balansehin ang pangangailangan ng mga manggagawa at ng mga employer para masiguro ang job preservation at job creation.

At sa pagtalakay ng usaping ito ay mahalaga aniyang marinig ang komento at suhestiyon mula sa tripartite sectors—ang labor, employer at government—upang makahanap ng mas mainam na resultang makakabuti sa lahat. | ulat ni Nimfa Asuncion

? Sen. Estrada/FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us