Humingi ng isang oras si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino para mapangalagaan at maisalba ang inang kalikasan mula sa mabilis na pagkasira nito dulot ng climate change.
Sa naging mensahe ng Pangulo, inihayag nitong nahaharap ang mundo sa aniya’y mahirap ng mabawing impact ng pagbabago ng panahon.
Dama aniya ang epekto ng climate change sa Pilipinas at sa katunayan, hindi bababa sa 20 mga bagyo ang humahagupit sa bansa taon- taon.
Patuloy din sabi ng Presidente, ang pag-init ng daigdig na kung saan umabot sa 36.8 ang Global Carbon Emmision nuong 2022.
Kaugnay nito’y hinikayat ng Pangulo ang lahat na makiisa sa isang oras na gagawing pagpapatay ng ilaw mamayang 8PM hanggang 9PM.
Sa ganitong paraan daw ay mabibigyan natin ng pagkakataong makahinga ang inang kalikasan at maisalba ito sa kanyang pagkasira. I via Alvin Baltazar