Pangulong Marcos Jr., magri-retreat sa Semana Santa;Kahandaan ng mga tanggapan ng pamahalan sa Holy Week, siniguro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-retreat o magpahinga sa isang tahimik na lugar sa panahon ng Semana Santa.

Ito ang sinabi ng pangulo sa isang ambush interview sa Mariveles, Bataan, ngayong araw.

Aniya, gugugulin niya ang Easter Sunday kasama ang kaniyang pamilya tulad ng kaniyang ginagawa kada taon.

Kaugnay pa rin sa Holy Week, ayon kay Pangulong Marcos, titiyakin ng administrasyon na magiging komportable ang lahat ng mga biyahero, maging ang mga kawani ng pamahalaan na naka-duty ngayong Semana Santa.

Sa gitna na rin ito ng matinding init na nararanasan sa bansa sa kasalukuyan.

Pagtitiyak ni Pangulong Marcos, nakahanda na ang pamahalaan sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week.

“We have to make sure that everybody is comfortable, that they can get to where they want as quickly as possible. Sa palagay ko naman nakahanda naman kami.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us