Pangulong Marcos Jr., nababahala sa mga naitalang karahasan sa Masbate

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababahala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa magkakasunod na karahasang ginagawa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Masbate.

Kung matatandaan, ang unang encounter sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at mga sundalo ng pamahalaan ay naganap noong Lunes (March 20), malapit sa isang paaralan sa Cawayan.

Ayon sa pangulo, nagdulot ng trauma sa mga sibilyan, partikular sa mga maga-aaral at guro ang mga insidenteng ito.

“We are deeply concerned over the incidents of violence in Masbate which had traumatized the affected civilians who were generally school children and their teachers.” —Pangulong Marcos.

Patunay lamang aniya ito na kahit malayo na ang progreso ng bansa sa paglaban sa mga communist terrorist group, kailangan pa ring ipagpatuloy at pag-igtingin ng pamahalaan ang laban kontra insurhensiya.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan pa ring manatiling alerto ng lahat, upang maiwasan ang mga ganitong pang-aabuso at karahasan ng mga teroristang rebelde, sa hinaharap.

“This just demonstrates that although we have made much progress in the fight against the Communist Terrorists Groups, we must be continuously vigilant so that such murderous abuses are avoided in the future.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us