Pangulong Marcos Jr., umaasang ipagpapatuloy ng Malaysia, Brunei ang pagtulong sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia at Brunei sa pagtulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagdadala ng kapayapaan sa Mindanao.

Sa courtesy call ng mga bagong talagang ambahador ng dalawang bansa, sinabi ng pangulo na umaasa siyang ipagpapatuloy ng Brunei at Malaysia ang pagsuporta sa development initiatives sa Mindanao, para sa pag-aangat ng buhay ng mga mamamayan sa rehiyon.

“We have to thank Brunei for the assistance and support that we have been receiving in southern Philippines, in the Muslim Autonomous Region, which have been big factor in what we think is going to be a successful Autonomous Region,” —Pangulong Marcos.

Sa mensahe ng pangulo kay Ambassador Megawati Dato Paduka Haji Manan, ipagpatuloy aniya sana ng Brunei ang pagbibigay ng oportunidad sa Muslim community sa rehiyon.

Paliwanag ng pangulo, upang maabot ang kapayapaan, kailangan na mayroong magandang buhay ang mga mamamayan.

“So again, I hope that Brunei continues to give our Muslim community in Southern Philippines whatever opportunities are available because that is the best way to assert that having peace is to give a good life to the people, a life that they would like to deserve,” —Pangulong Marcos.

Sinabi naman ng pangulo kay Malaysian Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony na umaasa rin ang Pilipinas, sa pagpapatuloy ng kanilang partisipasyon sa development pa ng Bangsamoro region. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us