Sinimulan nang talakayin ng Mababang Kapulungan ang ilang panukalang batas na layong alisin ang spectrum user fee (SUF) na ipinapataw sa paggamit ng WiFi frequency ng mga telecommunication company.
Target pag-isahin ng binuong technical working group ang House Bills 43, 2172, at 4190, upang alisin na ang ipinapataw na bayad sa mga indibidwal at Public Telecommunication Entities (PTEs) na gumagawit ng Wi-Fi frequency
Ipinupunto ng mambabatas na 20 percent lamang ng populasyon sa bansa ang mayroong internet connectivity, dahil masyadong mahal at hindi patas ang ipinapataw na charges sa Wi-Fi.
Inaaasahan naman na oras na maalis ang SUF ay mas bababa ang presyo ng internet, at mahihikayat ang mga maliliit na telco para magtayo ng dagdag na Wi-Fi infrastructure.
Isang kahalintulad na panukala na ang pinagtibay ng Kamara noong 18th Congress, ngunit hindi umusad sa Senado. | ulat ni Kathleen Forbes