Panukalang layong solusyunan ang ‘joblessness’ sa bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatalakayin na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Trabaho Para sa Bayan Plan (Senate Bill 2035).

Ang naturang plano ay magsisilbing long term employment generation and recovery master plan ng Pilipinas.

Ayon sa sponsor ng panukala na si Senate Majority Leader Joel Villanueva, layon ng panukala na isulong ang job-led economic growth, paigtingin ang kolaborasyon sa mga industriya, at magbigay ng pangkalahatang serbisyo para sa worker development, suporta at insentibo sa mga negosyo.

Ang naturang panukala ay kabilang sa priority measures ng Marcos administration.

Binigyang diin ng senador, na hindi pa nalalagpasan ng Pilipinas ang “seasonality” ng trabaho kung saan maraming manggagawa ang kinukuha kapag peak months.

Kailangan rin aniyang tugunan ang pabago-bagong datos ng unemployment rate, mataas pa ring underemployment rate, at ang malaking agwat sa employment sa service sector kumpara sa ibang mga sektor.

Bubuuin ng isang Inter-Agency Council ang masterplan at pamumunuan ito ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Labor and Employment bilang (DOLE).

Aatasan nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, na bumuo ng pinagsama-sama at magkakatugmang solusyon para sa iba’t ibang bagay tulad ng:

• Tumataas na walang katiyakan at impormal na trabaho;

• Pagdagdag sa bilang ng manggagawa sa digital economy, gig economy, at platform work;

• Full-cycle reintegration ng Overseas Filipino Workers;

• Pagsusulong ng oportunidad sa prayoridad na sektor at sa mahahalaga at umuusbong na mga industriya na may mataas na potensiyal na makalikha ngg trabaho;

• Lumalawak na access sa aktibong labor market policies; at

• Job-skills mismatch at potensiyal na skills gap sa umuusbong na mga industriya. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us