Panunumpa ng mga bagong talagang opisyal ng Clark International Airport Corporation, pinangunahan ng DOTr Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista ang panunumpa sa mga bagong Opisyal ng Clark International Airport Corporation o CIAC.

Ito’y ayon sa DOTr ay matapos na italaga ang mga ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa mga nanumpa kay Bautista si Joshua Mallari Bingcang bilang Acting President at Chief Executive Officer ng CIAC.

Gayundin ang mga miyembro ng Board of Directors na sina Dante Francis Mariano Ang II, Monico Alunan Puentevella Jr. at Julius Nabong Raboca.

Ang CIAC ay isang Government Owned and Controlled Corporation o GOCC na nasa ilalim ng DOTr. | ulat ni Jaymark Dagala

?: DOTr

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us