Papel na ginampanan ng FFCCCII sa produktibong State Visit ni Pangulong Marcos Jr. sa China, kinilala ng pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa suporta ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa partisipasyon ng mga miyembro nito sa naging State Visit ng pangulo sa Beijing, noong Enero.

Sa ika-33 Biennial convention ng FFCCCII sa Pasay City, sinabi ng pangulo na naging kapaki-pakinabang ang kanilang partisipasyon sa nagdaang biyahe ng pangulo.

Ginamit ng pangulo ang pagkakataon upang iulat na sa kaniyang pagbisita sa China, ang kaliwa’t kanang kasunduang nalagdaan, upang paigtingin ang bilateral trade at investment cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“These include, amongst others, the Memorandum of Understanding between the Philippines’ Department of Trade and Industry and the Ministry of Commerce of the People’s Republic of China on electronic commerce cooperation.” — Pangulong Marcos Jr.

Binanggit rin ng pangulo ang kasunduan para sa pag-export ng Pilipinas ng durian, patungong China.

“Also worth mentioning is the Protocol of Phytosanitary Requirements for Export of [Fresh] Durians from the Philippines to China signed between the Philippines’ Department of Agriculture and the General Administration of Customs of the People’s Republic of China.” — Pangulong Marcos Jr.

Sabi pa ng pangulo, nitong February 2023, nasa 90 aktibong investment leads na ang na-monitor ng pamahalaan mula sa Chinese companies.

“I am pleased to share that as of February 2023, the BOI, the Board of Investments is monitoring 90 active investment leads from Chinese companies engaged in manufacturing, information technology, business process management, and renewable energy.” — Pangulong Marcos.

Umaasa ang pangulo, na ipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang ginagawa, para sa benepisyo ng mga Pilipino.

“May you all take hold of and maximize these prospects as you venture into your next endeavors for the benefit of our people and for our communities.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us