Pinawi ni Drivers United for Mass Progress and Equal Right-Philippine Taxi Drivers Association (DUMPER–PTDA) Party List Representative Claudine Diana Bautista-Lim ang pangamba ng mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers na mawalan ng kita dahil sa itinutulak na “fare discounts” para sa mga pasahero.
Ito’y matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Service Contracting Program (SCP) para sa mga jeep at UV Express na ipatutupad sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Baustisa-Lim ang pamahalaan na mismo aniya ang sasalo ng ipatutupad na discount na ibibigay naman sa mga mananakay.
Sa ilalim ng programa, ibababa sa pre-pandemic level ang pasahe sa jeep sa halagang ₱9 mula sa kasalukuyang ₱12.
Ang pasahe naman sa modern jeep, ibababa ng ₱11 mula sa ₱14.
May bawas pasahe rin sa bus na ₱3 hanggang ₱4, habang pinag-aaralan pa ang sa UV Express. | ulat ni Kathleen Jean Forbes