Patuloy na pagliban ni Rep. Teves, pinaiimbestigahan sa House Committee on Ethics and Privileges

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang talakayin ngayong araw ng House Committee on Ethics and Privileges ang Committee Resolution No. 1.

Sa ilalim ng resolusyon ay hinihimok ang naturang komite na sakupin ang jurisdiction at motu-proprio na magsagawa ng imbestigasyon sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa kabila ng kawalan ng travel authority.

Batay sa schedule ng House of Representatives, isasagawa ito ngayong araw.

Matatandaan na napaso ang ibinigay na travel authority kay Teves noong March 9 para sa kanyang personal na biyahe pa Estados Unidos.

Batay naman sa naging pag-uusap ni House Speaker Martin Romuladez at Teves kamakailan, sinabi ng Negros Oriental solon na nangangamba ito sa kanyang seguridad at buhay kaya’t hindi pa umuuwi ng Pilipinas.

Sa ngayon, kumakalap pa ng impormasyon ang Radyo Pilipinas sa kung sino ang naghain ng naturang resolusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us