Makakaasa ang mga Pilipino sa patuloy na commitment ng Marcos Administration sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region, at para na rin sa isang mapayapa, masagana, at nagkakaisang Pilipinas.
Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-9 na anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, sinabi ng pangulo na sa nakaraang siyam na taon ang kasunduan para sa kapayapaan sa rehiyon ay naging matatag.
Ang pamahalaan aniya, titiyaking mananatili ang estadong ito.
“Under this administration, the political and normalization tracks of the peace agreement continue to gain momentum. Our partners in the BARMM continue to deliver on their commitments in both tracks, with the recent passing of the critical Bangsamoro Electoral Code.” — Pangulong Marcos Jr.
Hindi aniya matitinag ang pamahalaan, at titiyakin nito na ganap na maisasakatuparan ang peace agreement sa rehiyon, para sa mga susunod pang henerasyon.
“We in the national government will do our part to fulfil our commitments under the peace agreements and see its full implementation. We shall not waver from this. As we have said before, the path to lasting peace is always under construction but we shall build and walk this path together so that our children and the generations more that will follow shall live lives of prosperity and of peace.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan