PCG, ayaw nang maging “last touch” sa mga papaalis na barko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine Coast Guard (PCG) na tanggalin na sa kanila ang responsibilidad ng pre-departure inspection sa mga barko.

Sa Balitaan sa Tinpayan pinaliwanag ni PCG Spokesperson Arman Balillo, na dapat ipaubaya na sa shipping companies at mga kapitan ng barko ang pag-check ng mga safety measure sa tuwing umaalis ang mga ito, gaya ng pagbibilang kung overloaded ba o hindi ang isang sasakyang pandagat.

Ang problema ani Balillo ay coast guard ang “last touch” sa pag-alis ng isang barko dahilan kaya andito ang sisi sa tuwing may mangyayaring insidente.

Dagdag pa ni Balillo, junior officer pa lamang aniya siya ay ipinananawagan na nila ito subalit nais ng Department of Transportation (DOTr) na maberipika parin ng PCG ang barko kahit pa may master’s oath na ang kapitan ng barko, na nagdedeklara na seaworthy ang kanilang sasakyang pandagat.

Umaasa si Balillo, na mapapakinggan ang kanilang panawagan sa pagkakataong ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us