Pilipinas, pang-10 sa pinakamasayang bansa sa Asya — World Happiness Report

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling masaya ang mga Pilipino, yan ay kahit sa maraming pagsubok na pinagdadaanan.

Ginawa ang survey kasunod ng ulat ng United Nations na pang-10 sa at pang-76 ang Pilipinas na pinakamasasaya sa mundo.

Base sa mga na-interview dito sa Guadalupe Market positibo pa rin sa buhay ang mga manggagawa, estudyante, at nagtitinda.

Kabilang sa nagpapasaya ang pamilya, maayos na kalusugan, at kaibigan at jowa.

Samantala, nanguna sa pinakamasasaya sa buong mundo ang Finland, sinundan ng Denmark, at Iceland.

Kabilang sa naging basehan ang sweldo, kalusugan, mental health, at kalayaang makapagdesisyon sa buhay. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us