Police Station Desk officers sa Metro Manila, papalitan ng mga babaeng pulis — NCRPO Okubo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula sa mga susunod na araw mga babaeng pulis na ang makikita bilang desk officer sa mga Police Station sa Metro Manila.

Ito ay matapos mapatunayan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Police Major General Edgar Okubo na mas may malasakit ang mga babaeng pulis kaysa sa mga lalaking pulis.

Ayon kay Major General Okubo naglagay siya ng hidden camera para makita ang sitwasyon at hindi siya natuwa sa nasaksihan.

Meron aniyang lalaking Desk officer na maikli ang pasensya at pinagalitan ang complainant dahil naguguluhan sa kanyang nirereklamo.

Meron din lalaking Police Desk officer na nanonood ng TV at hindi masyado pinapansin ang lumapit na complainant.

Dahil dito mga babaeng pulis na ang itatalaga bilang Desk officer na para sa kanya ay mas may malasakit at maayos na pakikitungo sa mga humihingi ng tulong. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us