Pres. Marcos Jr., binigyang halaga ang papel ng mga kawani ng Office of the President sa 126th anniversary nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga empleyado ng Office of the President.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na dahil sa mga kawani ng Office of the President ay epektibo niyang nagagampanan ang kanyang responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.

Bagamat behind the scene, sabi ng Pangulo, ang trabaho ng mga taga-OP ay batid niyang tinitiyak ng mga ito na magiging maayos ang takbo ng operasyon ng kanyang tanggapan.

Dagdag ng Pangulo na dahil sa aniya’y excellent work ethic ng mga taga-Office of the President ay tiyak na maaabot ang isang Pilipinas na respetado ng buong mundo kasabay ng paghikayat sa mga kawani na panatilihin ang pagiging servant heroes of great Malacañang.

Isang pribelehiyo ayon sa Pangulo ang nakaatang na mandato para sa mga taga OP kasabay ng panawagang gawin ang kanilang tungkulin ng may dignidad at buong kapakumbabaan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us