Pres. Marcos Jr, inatasan ang CHED para tugunan ang kakapusan ng nurses sa bansa dahil sa migration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agarang tugon ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na gawin ng Commission on Higher Education (CHED) para sa nararanasang kakapusan ng nurses sa bansa dahil na din sa pangingibang bansa ng mga ito.

Sa isinagawang Private Sector Advisory Council Healthcare Sector Group meeting sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kailangang matiyak ang healthcare manpower sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na sa mga nakakausap niyang kapwa lider na taga ibang bansa ay humihingi aniya talaga ang mga ito ng ating mga nurse para magtrabaho sa kanilang bayan.

Buong mundo na aniya ang kalaban natin kaugnay nito ayon kay Pangulong Marcos kaya ang direktiba sa CHED, gumawa ng mga hakbang para mapanatili ang mga Filipino nurses na dito magtrabaho sa Pilipinas.

Sagot naman dito ni CHED Chairperson Prospero de Vera, may mga interventions na silang ginagawa kabilang dito ang pag-adopt ng nursing curriculum with exit credentials, pagkakaroon ng programa para sa redirection ng non-practicing nurses at pagsasagawa ng exchange programs sa iba’t ibang mga bansa. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us