Pres. Marcos Jr., ipinanawagan ang pagkakaroon ng integridad sa pagseserbisyo sa publiko sa harap ng mga proyekto sa imprastraktura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos na panatilihin ang pagseserbisyo sa publiko ng may integridad, accountability, at propesyonalismo.

Ang panawagan ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa harap ng ginawang nitong pagkilala sa papel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Transportation (DOTr) sa mga ginagawang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, maiging ituloy lang ang magandang nasimulan lalo na’t sa harap ng mga highly interconnected road network projects ng kanyang administrasyon ay target na maabot ang sustained economic growth.

Inihayag ng Chief Executive na hindi titigil ang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong may kinalaman sa infrastructure na aniya’y magpapabilis at magpapalakas sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan sa mga ganitong proyekto sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us