Gaya ng dati ay puno at magiging abala sa kaliwa’t kanang aktibidad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa huling araw na ito ng Marso.
Magsisimula ang aktibidad ng alas-8 ngayong umaga at ito ay ang gagawing pangunguna ng Presidente sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa Limay Public Market, Limay, Bataan.
Pagkatapos nito ay tutungo naman sa Limay Sports Complex si Pangulong Marcos para sa kanyang ikalawang event at ito ay ang gagawing pamamahagi ng government assistance.
Bandang Alas-10:30 naman ay inaasahang darating ang Pangulo sa kanyang ikatlong event at ito ay ang gaganaping inagurasyon ng San Miguel Power Battery Energy Storage System na gagawin din sa Limay, Bataan.
Pagkatapos nito ay tutungo naman ang Pangulo para sa kanyang huling aktibidad sa Bataan at ito ay ang gagawing pagpapasinaya para sa pagsisimula ng Bataan-Cavite Interlink Bridge.
Mula Bataan ay tutungo ang Pangulo para sa kanyang huling aktibidad na gagawin naman sa Clark Airbase sa Pampanga.
Dito ay iinspeksiyunin ng Presidente ang dalawang C130T Aircraft, habang nakatakda ring igawad sa Pangulo ang Honorary Philippine Airforce Gold Wings at Patch. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President