Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang problemang kinakaharap ng gobyerno para sa mga mangingisda ay ang mahanapan ang mga ito ng Provision of Credit.
Ayon sa Punong Ehekutibo, isa sa kanyang hinahangad ay ang mabigyan ng magandang pautang ang mga mangingisda para sana magamit sa pagpapaganda halimbawa ng kanilang fish pond.
At sa gitna ng pakay na matulungan ang Pinoy fishermen, inihayag ni Pangulong Marcos na gagawa sila ng plano sa Department of Agriculture (DA) upang mahikayat ang mga negosyante na pumasok sa mariculture.
Ang mariculture o marine farming ay cultivation o paglilinang ng marine organism na ginagamit sa pagkain at animal products na nakapagpapadami ng produksyon. | ulat ni Alvin Baltazar