Pres. Marcos Jr., nais magtalaga ng point person sa bawat proyektong pumapasok sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maranasan ng mga investors sa bansa ang sila’y mahirapan sa pagpapalagda ng anomang requirements para sa kanilang pagnenegosyo.

Ang nakikitang solusyon dito ayon sa Chief Executive, ang pagtatalaga ng isang point person sa bawat isang ahensiya ng pamahalaan na tututok at magpa-facilitate para  sa mga papeles ng isang potential investor.

Sa ganitong sistema, sabi ng Presidente, ay iisa na lang ang kausap ng mga negosyante na nais maglagak ng kanilang negosyo na kung saan, ito ang mangangasiwa sa mabilis na takbo ng kanilang application.

Ang kinauukulang point person aniya ang tututok sa documentary, legal, at bureaucratic requirements ng isang investor at mula doon ay maiwasan din ang pabalik-balik, makuha lang ang lagda para sa kanilang ina-apply na negosyo sa Pilipinas.

Una dito’y bnigyang diin ni Pangulong Marcos sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na umuusad na ang mga hakbanging ng gobyerno para sa mabilis na pagpoproseso ng inaaplayang permit ng mga investor o mamumuhunan sa bansa.   | ulat ni Alvin Baltazar

?: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us