Pres. Marcos Jr., nakikiisa sa pagsisimula ng Holy Month of Ramadan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga kapatid na Muslim sa bansa at sa buong mundo ngayong simula na ang banal na buwan ng Ramadan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang banal na okasyon ay panahon hindi lamang ng pagpa-fasting at panalangin kundi isang magandang pagkakataon din para bigyang halaga ang disiplina, paggalang, at kapakumbabaan.

Dagdag ng Pangulo na ang ritwal at paglilingkod na isinasagawa sa Ramadan ay nagsisilbing paalala din sa moral na obligasyon ng bawat isa, ipakita ang pagmamalasakit, igalang ang dignidad, at manindigan sa pagkakaisa.

Inihayag pa ng Pangulo na sanay mailakip sa panalangin ng bawat isa ang mga dumaraan sa mahirap na sitwasyon na nagdudulot ng pighati bunsod ng iba’t ibang mga pangyayari.

Kasama na dito ang mga dumaranas ng matinding alalahanin dulot nang pinagdaraanang gutom gayundin ang mga dumaan sa natural calamities at iba pang sirkumstansiya. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us