Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nabibigyan ng atensyon ang tungkol sa pasahod sa healthcare workers.
Sa harap na rin ito ng nagpapatuloy na pag-aaral ng Department of Health (DOH) hinggil sa salary standardization ng mga health workers sa bansa.
Ayon sa Pangulo, kailangang ma-monitor ang estado ng isinasagawang pag-aaral sa gitna ng nararanasang kakapusan ng medical workers sa bansa gaya halimbawa ng nurse.
Pinatututukan din ng Pangulo ang usad ng mga mungkahi hinggil sa Magna Carta for Public Health Care Workers o Republic Act No. 7305.
Matatandaan na ilang senador na din, gaya ni Senador Bong Go, ang nagpahayag ng pagsuporta sa pag-aamyenda ng nasabing batas sa layuning mabigyan ng sapat na suweldo ang health care workers para maiwasan ang pagma-migrate sa ibang bansa. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President