Presyo ng bigas sa ADC Kadiwa store, nananatiling mababa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng tumataas na presyo ng bigas sa ilang pamilihan ay walang pagbabago sa bentahan nito sa mga Kadiwa store.

Dito sa ADC Kadiwa Store, makakabili pa ng ₱38 kada kilo ng sinandomeng o katumbas ng ₱950 kada sako.

Mas mura kumpara sa ₱40-₱46 na presyo nito sa ilang pamilihan.

Batay sa price monitoring ng DA, hanggang ₱4 na ang itinaas ng kada kilo ng bigas sa mga palengke.

Ayon kay Maria Loreta Dagui, isa sa mga farmer-supplier sa Kadiwa, bagamat apektado na sila ng mas mataas na bentahan sa milling ay sinisikap pa rin nilang mapanatili ang mas mababang presyo ng bigas sa Kadiwa store lalo’t isa ito sa laging hinahanap ng mga mamimili.

Katunayan, umaabot aniya sa 100 sako kada linggo ang naibebenta dito dahil bukod sa mga regular consumer ay mayroon ding mga bumibiling negosyante na may maliliit na tindahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us