Provincial buses, papayagang dumaan sa EDSA sa Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pahihintulutan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang provincial buses na dumaan sa kahabaan ng EDSA bilang paghahanda sa pagbiyahe ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Ayon sa MMDA, maaaring bumiyahe sa EDSA ang provincial buses simula sa Huwebes Santo, April 6, hanggang Lunes, April 10.

Mula April 3 hanggang April 5 ay papayagan ang mga bus na dumaan sa EDSA simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Matatapos ang biyahe ng mga magmumula sa North Luzon sa bus terminals sa Cubao habang ang mga magmumula sa South Luzon ay sa Pasay City.

Sa pamamagitan nito ay ma-a-accommodate ng provincial buses ang inaasahang pagbuhos ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanyang probinsya para gunitain ang Semana Santa.

Bukod dito, sisiguruhin ng MMDA na magiging maayos at maginhawa ang biyahe ng commuters. | ulat ni Hajji Kaamiño

?: PTV

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us