Idinaos sa Paranaque City ang isang aktibidad na tinawag na Yours in Public Service Medical Caravan sa Barangay Merville.
Ang medical caravan ay handog ng pamahalaang lungsod katuwang ang pamunuan ng Barangay Merville upang maghatid ng libreng medical services para sa mga residente.
Kabilang sa serbisyo ng caravan ang libreng medical at dental consultation, immunization para sa mga bata, pneumonia at COVID-19 vaccination, laboratory services, HIV testing, at iba pa sa pakikipag-ugnayan kay Merville Barangay Chairman Dr. Edgardo Caballero.
Bukod dito, mayroon ding non-medical services gaya ng libreng gupit sa tulong ng Parañaque Livelihood Resource Management Office, legal consultation at anti-rabies vaccination sa tulong ng City Veterinary Services Office.
Mayroon ding desk assistance ang iba’t ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan tulad ng libreng PhilHealth enrollment; assistance para sa mga nais magpakasal, magpabinyag, at pagpagparehistro ng birth certificate. | ulat ni Janze Macahilas