Nanawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biyahero at mananakay ngayong summer season na huwag tangkilikin ang colorum na sasakyang pandagat.
Ayon kay Rear Admiral Armando Aurelio Balilo, PCG Spokesperson, delikado ang pagsakay sa mga ito dahil ito ang kadalasang nagiging dahilan ng mga sakuna sa dagat.
Wala din aniyang mga de kalidad na life savings equipment ang mga naturang barko.
Umapela din si Balilo sa publiko, na ipagbigay alam ang mga colorum na barko na bumabiyahe sa iba’t ibang pantalan.
Paalala nito, para matukoy ang colorum sa hindi ay ang kawalan ng Coast Guard personnel na umaakyat sa barko bago ito umalis.
Makikita din aniya ang security number system ng barko sa gilid nito, kung rehistrado ba ito sa coast guard o hindi. | ulat ni Lorenz Tanjoco