Ilang araw pa lang mula nang ideklara ng PAGASA ang pagpasok ng tag-init ay ramdam na ng karamihan ang pagtagaktak ng pawis dahil sa init.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Philcoa, Quezon City,
Kanya-kanyang diskarte na ang ilan para malabanan ang init ng panahon.
Si Mang Vic na isang street vendor, panay raw ang inom ng tubig ngayon at laging sumisilong sa malilim na lugar.
Ang Angkas rider namang si Joey, hindi na nagpapaabot ng tanghali sa biyahe dahil iniiwasan rin ang matinding init.
Habang si Nanay Delfa na nagtitinda ng buko juice ay sinisiguro na laging iniinom ang maintenance lalo’t nakaka-highblood ang mainit na panahon.
Una nang pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na iwasan ang heat stress at huwag magbilad sa araw para hindi mabiktima ng heat stroke.
Ayon naman sa PAGASA, hanggang Mayo pa mararamdaman ang mainit na temperatura sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa