Pulitika, dahilan ng pagkonsidera kay Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga mastermind sa Degamo slay case

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) ang dahilan ng pagkonsidera kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. bilang isa sa mga mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Ito ay matapos ihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kanila nang ikinukonsidera si Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga utak sa pagpatay kay Gov. Degamo gayundin sa walong iba pa.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni DOJ Spokesperson, Atty. Mico Clavano, na pulitika ang isa sa mga pangunahing dahilan.

Batay kasi sa mga salaysay ng pamilya gayundin sa sitwasyon sa Negros Oriental, ang mga Teves ang siyang pinakamahigpit na kalaban ng mga Degamo.

Pero bantulot pa rin dito ang Chairperson ng binuong Special Task Force Degamo na si Interior Secretary Benhur Abalos, at sa halip na pangalanan ay tinawag niyang “demonyo” ang utak sa krimen.

Paliwanag niya, may sinusunod silang proseso at kumpiyansa silang mahahayag din ang tunay na katauhan ng mastermind sa krimen sa sandaling maisampa na ang kaso laban dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us