QC LGU at DMW, magtutulungan para pangalagaan ang kapakanan ng OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magiging katuwang na ng Quezon City Government at Department of Migrant Worker (DMW) para sa pagpapaigting ng mga programa sa kapakanan ng mga OFW sa lungsod at kanilang pamilya.

Ito’y matapos na lumagda sa isang Memorandum of Agreement sina Mayor Joy Belmonte at DMW Secretary Maria Susana “Toots” Ople para masigurong mapoprotektahan ang kalagayan ng mga OFW at kanilang naiwang pamilya sa bansa.

Sa ilalim nito, bibigyan ang mga OFW ng mga serbisyo tulad ng skills at livelihood programs, scholarships, at capital assistance.

Kasabay nito, inilunsad din ng LGU ang QC OFW Safe Migration and Reintegration for OFW Children Left Behind (SMARt Child) online portal.

Dito irerehistro ang mga maiiwang anak ng mga QCitizen na nangibang-bansa upang mabigyan ng iba-ibang intervention na tutugon sa kanilang pangangailangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us