QC Mayor Belmonte, sinigurong pananagutin ang driver at may-ari ng trailer truck na nakasagasa sa isang traffic enforcer sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkamit ng hustisya sa nasawing traffic enforcer ng Quezon City Traffic and Transport Management Department na si Jeffrey Antolin.

Namatay ang traffic enforcer matapos siyang masagasaan ng truck sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City nito lamang March 22.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na ipinag-utos na nito ang pagpapanagot sa driver gayundin sa may-ari ng trailer truck na sangkot sa insidente.

Pinasisiguro na rin ng alkalde ang pagpapaigting ng mga hakbang para masiguro ang kaligtasan ng pedestrians sa lugar.

Kaugnay nito, nagpaabot na ng pakikiramay si Mayor Belmonte sa naulilang pamilya ni Antolin at siniguro ang tulong ng pamahalaang lungsod sa kanila.

Kinilala naman ng alkalde ang kabayanihan ng enforcer na nakapagsagip pa ng siklista bago nasagasaan at nasawi.

“The supreme sacrifice and heroism of TE Antolin serves as an inspiration to everyone in the Quezon City Government. We thank him and his family for his service to the people of Quezon City.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

May be an image of text

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us