Sapat na suplay ng isda hanggang Semana Santa, tiniyak ng BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na mayroong sapat na suplay ng isda sa bansa kahit ngayong papalapit ang holy week.

Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, nasa peak season naman ang pangingisda sa ilang rehiyon kaya kakayaning punan ang suplay kahit tumaas pa ang demand sa Mahal na Araw.

Sa kabila rin ng inaasahang epekto sa local fish production ng oil spill sa Mindoro, ay hindi nakikita ng BFAR na magkakaroon ito ng pangmalawakang kakulangan sa suplay ng isda sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi rin ng BFAR na tuloy-tuloy ang ginagawa nitong hakbang upang matugunan ang iba pang hamon sa sektor tulad ng post-harvest losses.

Kabilang sa istratehiya nito ang pagsusulong ng subsidy program at post-harvest interventions sa mga small scale fisherfolk.

Nauna na ring inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatayo ang pamahalaan ng karagdagang 11 cold storage facilities sa iba’t ibang fish ports para hindi masira ang mga huli ng mga mangingisda. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us