Sapat na suplay ng kuryente ngayong darating na tag-init, tiniyak ng Meralco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Manila Electric Company o MERALCO na sapat ang suplay ng kuryente sa kanilang franchise area sa panahon ng tag-init.

Ito’y ayon sa MERALCO ay sa kabila na rin ng pagkakatigil ng Power Supply Agreement nito sa South Premier Power Corporation o SPPC kung saan sila kumukuha ng 670 Megawatt na suplay ng kuryente.

Ayon kay MERALCO Utility Economics Head Lawrence Fernandez, patuloy ang kanilang pagsisikap na mapunuan ang iniwan ng SPPC sa pamamagitan ng paghahanap ng iba pang Power Producer bukod pa sa pagbili ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Kasunod nito, sinabi ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga na bagaman sapat ang suplay ng kuryente ngayong tag-init, mas mainam pa rin kung gagawa ng pagtitipid ang publiko lalo’t inaasahang lalakas ang paggamit ng cooling devices tulad ng aircon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us